Chapter 4 (#Let’s go. . . )
Totoo nga iyong sabi nila. Habang tumatagal ay palihim ng palihim na rin sila sa akin. Ano bang mahirap para hindi sabihin sa akin ang tama at totoo? They think the best for me?
Yes!
They are but, how could they let it be a secret to me. Am I blinded? Nagbulag-bulagan lang ba ako sa katotohanan na alam ko naman? They obliged to tell the truth, pero mas pinili nilang sa iba ko mismo malaman kaysa sa kanilang mga magulang ko.
"Za, your dinner is ready. Gusto mong subuan ka ni Mommy?" Tanong niya sa akin.
Gumagabi na pala, hindi ko man lang namalayan ang oras. Siguro sa kaiisip ko ng kung ano-ano o kaya sa mga narinig kong sinabi ng doctor kanina.
"Mom?" tawag ko sa kanya.
Lumapit siya sa akin nang may ngiti sa labi. "Gutom ka na?" she asked instead.
"Mom, stop hiding," sabi ko sa kanya nung kunin niya ang mangkok.
"What it is baby?" maang-maangang sagot niya sa akin.
"P-Pwede mo n-namang sabihin sa akin, Mommy. Bakit pinahihirapan niyo pa ang inyong sarili. Gusto ko lang rin malaman, Mommy, ngunit bakit parang tinatago ninyo?" Bumiak ang boses ko sa tanong ko sa kanya.
She look at me, nangungusap ang mga mata niya na. I know na mahirap rin para sa kanila ang ganitong sitwasyon pero iyong hiniling ko na sana ay magsabi man lang sila sa akin.
Iyon lang naman. Karapatan kong malaman ang katotohanan lalo na't konektado ito sa buhay ko.
"Za, you need to-" putol ko sa kanya at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko.
"Alam ko na iyon, Mommy," puna ko sa kanya. "Gusto ko ring malaman kung may pag-asa pa ba akong mabuhay, Mommy... pero bakit ang hirap naman yatang tanggapin?" tanong ko na halos kabugin na iyong puso ko sa bigat. Mommy, held my hands and then squeezed it. That felt me comporting.
Sa lungkot na dinaramdam ko ay napalitan ng kung anong pintig sa puso ko. Ito 'yung kinatatakutan ko... 'yung hindi ko na ulit maranasan na daluhan kapag malungkot ako o 'di kaya'y maramdaman na may magulang akong nag-aalala sa akin.
"Nahihirapan rin si Mommy, Za. Hindi ko na alam kung anong gagawin o kung ano ang sasabihin ko sa'yo." Saad niya sa akin. "Masyadong mahirap ipaunawa sa iyo ang mga nangyayari. Masyado ka pang bata para maranasan itong paghihirap." Dagdag niya na siyang pagkabiak ng boses niya.
"You don't deserve this, hindi mo deserve na magkaroon ng sakit, kung pwede ko lang akuin iyang sakit mo gagawin ko." Madamdaming wika niya.
I know...
Walang magulang ang hindi masasaktan sa tuwing nahihirapan iyong mga anak nila. But my only concern is that... I want to know the truth. Iyon lang ang gusto ko.
"Deserve kong malaman ang totoo, Mommy," nanunubig kung mga mata. "Gusto kong makalaya, Mommy. Ayaw kung matulad Kay Ajiya, ayaw ko pang mawala, Mommy." Hinaing ko sa kanya.
I wanted to live longer. Gustong gusto ko pang mabuhay ng matagal. Kung may iilang buwan nalang ako eh hindi ko iyong maeenjoy.
"Gagawa ng paraan si Mommy at Daddy mo okay? 'Wag kang magalala mabubuhay ka nang matagal, pangako 'yan," sabi niya na nagpalubag sa loob ko.
Siguro kung hindi ko narinig ang sinabi ng doctor ay maniniwala pa ako na may pag-asa na gagaling ako, na mabubuhay pa ako ng matagal, palatuntunin na rin iyon sa akin kung bakit ko iyon narinig para aware ako na may iilang linggo nalang ang nalalabi ko dito sa mundo.
"Keep yourself in touch, your daddy will be here," sabi ni Mommy.
Kung noong si Laspiranza ay matutuwa dahil bibisita si Daddy pero ngayon lungkot na ang pwede kong maibigay na emosyon kasi...wala nang bubuhay sa akin na pag-asa. Wala nang magpapatatag ng loob ko dahil nasira sa mga salita at katagang hindi ko kailan man malilimutan.
Kinain ko at sinunod ang mga payo ni Mommy sa akin. 7 pm pa ang oras ay inaantok na ako. I'm tired kaya ilang minuto lang din ay nakatulog ako. Sabi ni Mommy na gigisingin niya raw ako kapag dumating na si Daddy. "H-Hon... she knew already what happening to her... anong gagawin natin?" dinig kong tanong.
I heard some mumbling.
"How did she knew?"
"She heard it..." sagot nito.
"Act like there's nothing happen." Boses iyon ni Daddy.
Nandito na naman... Nandito na sa point na pati si daddy ay ayaw ring ipaalam sa akin. What's wrong with them? Kaya ba ayaw nilang ipaalam kasi, ayaw nilang masaktan ako at d-dibdibin ko iyong katotohanan? Hindi pa nga ako patay pero pakiramdam ko ay paunti-unti na nila akong pinapatay.
Nag-usap pa sila ng kung anu-ano. Pinili ko nalang din na hindi pakinggan kasi wala namang saysay iyong pinagsasabi nila kung 'di rin nila ipinapaalam sa akin.
Hindi ako nagatubiling maging gising. I wanted to hear them talk. Kasi ito lang ang paraan para may malaman ako. Kasi never nilang sasabihin sa akin ang totoo.
Nung nakita ko ang wall clock sa gilid maga-alas nuebe na ng gabi. Inikot ko ang mga mata ko sa buong paligid. Wala pa ring ipinagbago, tanging ang putting kisame, isang flat screen na TV, maliit na ref, banyo sa gilid, isang mesa na may pagkain, mesa para sa mga gamot, at isang operator para ilagay sa katawan ko tuwing linggo.
Operator para sa linggohang gamutan ko. Every Sunday after mass ay may meditation ako. Hindi ko na rin iyon sinabi nina mommy, basta kasama ko si Ninong na isa rin sa tumitingin sa akin.
We have session that called meditation raw sabi pa niya. It can help me. At tama naman iyon dahil nakakaramdam ako ng kaginhawaan sa tuwing tinuturukan ako ng gamot na iyon.
"She's awake now." Sabi ni Mommy.
Sabay silang lumapit sa akin at nagpalitan ng tingin. Daddy flash a smile on his face and then hugged me.
"I miss you, Laspiranza, you miss daddy?" He asked.
I nodded... I totally understand why he needed to work. Hindi biro iyong presyo ng treatment ko. Sa tuwing may chemotherapy ako ay napakamahal, lalo na iyong mga gamot. Binubuhay ako ng gamot kaya siguro kailangan kung uminom at pananatilihin upang humaba ang buhay ko.
Bunos na yata iyong meditation ni Ninong kasi libre lang daw pero iwan ko iba iba ang gamot na itinuturok sa akin o iniinom ko.
Pero, hindi na talaga kaya pa... may ilang buwan nalang akong natitira.
"I missed you so much," I told him.
Bakit parang malungkot ata siya? Marahil alam na niya? O siguro hindi niya lang matanggap kaya siya malungkot na ngumingiti sa akin.
"You had bad day, Daddy?" I asked him.
Tumango siya and he shook his head. "Daddy, is fine. Did you take all your medicine?" Instead he asked.
"Yeah, all of them," I replied.
'May iba ngang nasama... I'm doing this for all of you.'
Kung kaya nilang magpanggap na parang walang nangyari, pwess kaya ko ring magpanggap na parang walang alam. Kung hidni nila kaya, ay ganun rin ako.
Hinigpitan pa niya masyado ang yakap sa akin. Then I heard him, sniffing.. umiiyak si Daddy. 'Di na ako nagtaka kung bakit dahil alam ko na ang dahilan kaya siya nagkaganyan.
"Are you crying, Daddy." Tanong ko.
Nakita ko si Mommy na umalis sa loob ng kwarto ko. Maybe, umiiyak rin siya, nalilito ako kung bakit pa nila ako iiyakan, eh kapag nawala na ako wala na silang iisipin pa.. wala na silang ipagaalala pa kasi wala na ako.
"I'm not.. daddy is strong, you know that.. hindi lang maganda ang pakiramdam ni Daddy mo." Biro pa niya na hindi nakalagpas sa akin.
I know why they didn't told me that.. I.. I had few more week left. Mahirap para sa magulang ang malaman na iilang araw nalang ang natitira sa kanilang anak.
I'm the only child kaya mahirap sa kanilang tanggapin na sa ano mang oras ay pwede akong mawala, pwede ko silang iwan.
"You're strong, Daddy." Sabi ko na siyang nagpahikbi sa kanya. May luha na rin sa mata ko pero pinatatag ko ang sarili ko para hindi nila makita na nahihirapan na rin ako. "You and Mommy is strong.. me also." Sabi ko para patatagin ang loob nila.
"Can you promise me to fight?" tanong niya sa mahinang lintaya.
Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya sa mata. Nagiwas ng tingin si Daddy, at alam kung pinahid niya ang luha niya para hindi ko makita na nalulungkot sila.
"Yes, but are you crying?" tanong ko ulit.
Bihira ko lang makita si Daddy na ganito kalungkot. Batay pa sa mga kwento ni Mommy ay masiyahin si Daddy pero pagdating sa akin parang iyong vibes na masiyahin niya ay nagiba.
"I'm not crying, napuling lang si Daddy 'no? Bakit naman iiyak si Daddy, kung lalaban pa baby namin?" Patanong niyang sabi.
Ramdam ko ang lungkot sa boses niya lalo na iyong sa huling salita na sinambit ay doon bumiak ang boses niya.
"Wag mo nang pansinin si Daddy, Za, Ah? Pagod lang ako." Dagdag niya.
Hindi ako naniniwala sa pagod lang siya, na napuling lang siya, na malakas siya kasi alam kung nasasaktan siya dahil sa mga nangyari sa akin. Ilang ulit na nilang sinabi ang mga kasinungalingan iyon, kaya siguro ito ang isa sa mga rason kung bakit ako naniniwala sa kanila.
Ipinatong niya ang kamay sa balikat ko at matunog na ngumiti sa akin. "Everything is going to be alright, Okay?" pangungumbinsi niya sa akin.
The way he smiled at me, wala akong nakikitang saya sa mata niya. Puro lungkot at pighati lang ang sumasalubong nito.
In my heart there's a beat there telling that... that I should treat them nicely. Kasi ito lang ang tanging magagawa ko. I'm not powerful to construct a scenario. Kung pwede lang 'di sana maging fary tail na iyong buhay ko. But, reality really sucks.
Pumasok si Mommy na mugto rin ang mata. She look at our direction then she muttered something. Si Daddy lang ang nakakaintindi 'nun kaya nagpaalam si Daddy sa akin saglit.
"Taymer is here, Za, he wanted to visit you, remember him?" iyon lang ang sabi ni Mommy sa akin bago sila nawala sa paningin ko.
Kumatok naman si Taymer sa pintuan ko para kunin ang permeso sa akin.
"Go in!" Sigaw ko para marinig niya.
Ilang sandali lang din ay pumasok na siya na may dalang prutas.
"Hi, good evening!" He greeted me. Medyo napalakas pa iyong pagbati niya.
"Hi, evening," I replied. "Naparito ka?" tanong ko.
"You wanted to walk outside?" tanong niya. Imbis na sagutin iyong tanong ko.
"No, my parents will get mad at me," sabi ko.
They never give me a permission to walk outside lalo na kapag gabi. Minsan lang ako nakakalabas kapag may kasama ako. They treated me as their princess, pero hindi malayang gawin ang gusto.
"I already asked their permission. And they said yes!" He insisted.
"Bakit naman ako sasama sa iyo?" mataray kong tanong sa kanya.
Of course how could he? Eh! Stranger pa siya sa akin. We met not longer a week at hindi ko pa siya kilalang lubos. I know that he's connected with Ajiya pero hindi iyon sapat na rason para magtiwala sa isang tao.
"To lighten up your mood," he said as if he can do that.
Pero nakakasilay iyong ngiti niya. Napapansin ko rin sa kanya na medyo may pagka-mature na iyong pangangatawan niya. Hindi mo aakalain na 17 palang siya. His body was well-formed. "Nagg-gym ka ba?" I asked.
"No, but I'm an athlete that's why I need to maintain may posture." Sabi niya at ngumiti na naman.
Bakit ang saya nito. Tinatanong lang pero hanggang langit ang ngiti.
"Lol!" Sagot ko na na-awkward na sa ngiti niya. "You're too pabibo 'no?" I asked him, just like a whisper.
"Well yeah, so, what's now?" he asked at ayan na naman iyong ngiti niya.
Sa singkit ng mata niya, sa kilay na halos magkakonekta sa isa't isa, sa tangos ng ilong niya, sa katamtamang hulma ng labi niya maipagkukumpara na gwapo siya. Taymer is handsome.
"Laspiranza, let's go. 'Wag mong isipin 'yung malungkot, I'm here now to guide you." Sabi niya at pinandilitan pa ako.
Masyado bang halata na hindi ako masaya? Na hindi ako okay?
"I'm good here and it's late," sabi ko naman sa kanya.
"No, it's already 9pm and we have 1 hour to walk around, I already asked your parents about this, sabi ko sa kanila ilalakad lang kita. Since gusto mo maglakad-lakad." Puna ni Taymer. "Are you sure that you asked them?" tanong ko.
Parang ayaw kong maniwala, parang nagsinungaling lang siya eh! Patawin mo ako kung pinagiisipan kitang ganyan.
I wanted to feel someone tonight, masyadong mabigat ang pakiramdam ko para sabihin na okay ako, na maayos ako. Gusto kung may kasama, gusto ko na may masabihan ng problema ko. "Yes!" Mabilis na sagot niya.
"Isang tanong? Bakit nga nandito ka?" tanong ko.
Hindi siya sumagot sa tanong ko at mas inunang kunin ang lagayan ng dextrose ko saka iyon inigay para hilain nalang. Tinulungan niya pa akong makaalis sa higaan ko.
"Di ako baldado at kaya kung tumayo." Mataray kong sabi.
Wala siyang sinabi at tinulungan niya parin ako. Mula sa pagkakatayo ko ay inalalayan niya pa akong makalabas sa pintuan ko.
Nakita ko sila Mommy sa isang gilid at seryosong naguusap. I heard them... talking and crying, hindi man nila ako kita ay alam kung umiiyak silang dalawa, daddy hugged her while she's resting on my daddy's shoulder. Tinignan nalang ako ni Taymer at walang pasabing hinawakan ang kamay ko.
"Let's go?" tanong niya sa akin. "Nagpaalam na ako sa mga magulang mo. Don't you worry," saad niya.
Itatanong ko pa sana kung bakit hinawakan niya ang kamay ko pero hinila na niya ako papunta sa ibang direksiyon. Wala akong sinabi, wala akong magawa kundi hayaan niya akong dalhin sa kung saan niya man gustong pumunta. Ang inaalala ko lang ay kung paano ko tatanggapin ang lahat ng mga nalaman at nasaksihan ko.
"Stop thinking to what you saw and what you heard. Be yourself 'cause the only medicine is how you treated yourself care."
***